Premise Mga Tuntunin ng Paggamit
Epektibong Petsa: Abril 1, 2024
Ang sumusunod na mga tuntunin ng paggamit (ang “Kasunduan”) ay pinamamahalaan ang paggamit ng Premise mobile applications (ang “App”), Premise website sa “www.premise.com” (ang “Site”) at Premise portal o iba pang online na serbisyo na inaalok ng Premise (ang “Platform”) at mga produkto at serbisyo na makukuha sa o sa pamamagitan ng App, Site at Platform (kinuha nang sama-sama sa App, Site at Platform, ang “Serbisyo”). Ang Serbisyo ay inaalok na sumasalilalim sa inyong pagtanggap nang walang pagbabago sa alinman sa mga tuntunin na nakapaloob sa Kasunduan na ito at lahat ng iba pang mga panuntunan, patakaran at pamamaraan na maaaring maipamahagi sa App, Site at Platform o kasama sa isang Task (tinukoy sa ibaba). Ang inyong access sa at/o paggamit ng Serbisyo ay bumubuo sa inyong pagtanggap sa Kasunduan na ito, lumilikha ng isang nakapagbibigkis na legal na kasunduan. Kapag inyong na-click ang “Sumasang-ayon” (Agree) na nasa App o Platform, iyon din ay lumilikha ng isang nakapagbibigkis na legal na kasunduan at bumubuo sa pagtanggap ng Kasunduan na ito. Ang Kasunduan na ito ay maaari ring pana-panahon na amyendahan, tulad ng ipinaliwanag sa ibaba.
Mangyaring maglaan ng oras at maingat na basahin ang Kasunduan na ito. Maaari niyo lamang gamitin ang serbisyo sa ngalan ng isang kompanya na may paunang nakasulat na awtoridad ng kompanyang iyon. Kayo, o ang kompanya sa kung kaninong ngalan niyo ginagamit ang Serbisyo, ay tinukoy sa Kasunduan na ito bilang “kayo”, “inyo” o “User”. Ang Serbisyo ay pagmamay-ari at pinatatakbo ng Premise Data Corporation (“PDC”). Kung may nakikita kayo sa Kasunduan na ito na nakakalito, mangyaring mag-email sa [email protected].
ANG MGA TUNTUNIN NA ITO AY NAGLALAMAN NG ISANG PROBISYON SA MANDATORYONG INDIBIDWAL NA ARBITRASYON (MANDATORY INDIVIDUAL ARBITRATION PROVISION) AT ISANG PROBISYON SA PAGTALIKOD SA PAGHAHAIN NG KASO/PAGLILITIS NG HURADO (CLASS ACTION/JURY TRIAL WAIVER PROVISION) NA INAATAS ANG PAGGAMIT NG ARBITRASYON SA INDIBIDWAL NA BATAYAN SA PAGRESOLBA NG MGA ALITAN, KAYSA SA MGA PAGLILITIS NG HURADO O PAGHAHAIN NG KASO.
KUNG HINDI KAYO SUMASANG-AYON SA LAHAT NG MGA TUNTUNIN AT KONDISYON SA KASUNDUAN NA ITO, HUWAG GUMAWA NG ACCOUNT AT HUWAG GAMITIN O I-ACCESS ANG SERBISYO.
MGA PAG-AATAS SA EDAD
Ang Serbisyo ay maaari lamang gamitin ng mga taong hindi bababa sa 18 taong gulang o nasa edad man lamang ng mayorya sa estado o bansa kung saan naninirahan ang tao sa panahon ng paggawa ng account upang gamitin ang Serbisyo at kung saan ang tao ay kumukumpleto ng anumang Task (tinukoy sa ibaba).
PRIVACY
Ang patakaran sa privacy ng PDC ay makukuha sa Site at Platform (Privacy Policy) at isinama dito ng sangguniang ito. Ang Patakaran sa Privacy (https://tos.premise.com/privacy-policy/) ay maa-access rin mula sa App. Mariing inirerekomenda ng PDC na inyong suriin nang malapitan ang Patakaran sa Privacy. Ang inyong pagsang-ayon sa Kasunduan na ito ay bumubuo sa kasunduan sa Patakaran sa Privacy, tulad nang naamyendahan pana-panahon.
MGA KONDISYON PARA SA PAG-ACCESS AT PAGGAMIT
Bilang isang kondisyon ng pagtanggap ng anumang konsiderasyon sa ilalim ng Kasunduan na ito, pinatutunayan ng User na walang User o sinumang taong inugnay ng User na magbigay ng mga serbisyo sa ilalim ng Kasunduan na ito:
-
- ay nakatira o residente sa Cuba, Iran, North Korea, Sudan, Syria, o rehiyon ng Crimea ng Ukraine/Russia, o anumang iba pang bansa o teritoryo na naging sakop sa mga komprehensibong sanction na ipinataw sa ilalim ng sanctions programs ng U.S. Department of Treasury (Ang impormasyon tungkol sa mga naturang programa ay makukuha sa: Sanctions Programs and Country Information); o
- sakop sa mga paghihigpit sa pangangalakal na ipinataw ng Pamahalaan ng U.S., kabilang ngunit hindi limitado sa mga paghihigpit na ipinataw ng U.S. Department of Treasury sa ilalim ng sanctions programs, pati na rin ng U.S. Departments of Commerce and State sa ilalim ng U.S. export control laws. Ang mga consolidated screening list ng mga partido na sakop sa mga naturang paghihigpit ay makukuha sa: Consolidated Screening List.
Seryoso ang PDC sa pagpigil sa panloloko at pagsunod sa batas. Bilang isang kondisyon ng pagiging kwalipikado na mag-sign up para sa at kumumpleto ng Mga Task (tinukoy sa ibaba), kinikilala at sumasang-ayon ang User na maaaring magsagawa ang PDC ng background at security check, ayon sa inaakala nitong angkop at sa sarili nitong pagpapasya.
Sa pamamagitan nito ay higit pang pinatototohanan at pinapatunayan ng User na:
-
- Ang User ay hindi iniuugnay sa anumang listahan ng pinagbabawalang partido tulad ng, halimbawa, ang mga listahan na pinananatili ng United Nations Security Council, ang pamahalaan ng U.S. (kabilang ang Specially Designated Nationals List at Foreign Sanctions Evaders list ng U.S. Treasury Department), ang European Union (EU) o mga estadong miyembro nito, at ang pamahalaan ng inyong sariling bansa kung kayo ay matatagpuan sa labas ng United States at EU; at
- Ang User ay hindi pag-aari o kontrolado ng, kumikilos sa ngalan ng, isang tao o entidad na nasa anumang mga listahan na inilarawan sa itaas; at
- Ang User ay hindi anupaman ay pinaghihigpitan na tumanggap ng bayad mula sa, o gumanap ng mga serbisyo para sa, PDC sa ilaim ng anumang naaangkop na mga batas o regulasyon ng U.S., EU; at
- Ang User ay hindi sumusuporta o hindi nauugnay sa o aktibong sangkot sa anumang mga teroristang aktibidad; at
- Ang User ay hindi magbibigay ng anumang suporta (pinansyal o hindi pinansyal) sa anumang indibidwal o organisasyon, kabilang nang walang limitasyon sa mga indibidwal at entidad na iyon na itinalaga ng State Department sa ilalim ng Executive Order 13224, na nauugnay sa mga teroristang aktibidad bilang resulta ng pagkuha ng anumang pinansyal na kabayaran mula sa kanilang relasyon sa PDC; at
- Ang User, maging ito man ay kumikilos sa sariling ngalan ng User o sa ngalan ng isang legal na entidad, ay 18 taong gulang man lamang ang edad (o nasa legal na edad ng mayorya kung saan naninirahan ang User at kumukumpleto ng anumang Mga Task (tinukoy sa ibaba), at ang User ay legal na pinahihintulutan na gamitin ang Serbisyo at inaako ang ganap na responsibilidad na gamitin ang Serbisyo at inaako ang ganap na responsibilidad para sa pagpili at paggamit ng Serbisyo.
Ang kabiguan na gawin ang alinman sa mga naunang kondisyon ay maaaring magresulta sa sibil na pananagutan sa PDC o iba pang mga partido, o maaaring maging isang krimen. Dagdag pa, ang kabiguan na gawin ang alinman sa mga naunang kondisyon ay magreresulta sa agarang pagtatapos ng Kasunduang ito, ang pag-alis ng anumang konsiderasyon na kung hindi man ay maaaring utang dahil sa pagkumpleto ng Mga Task (tinukoy sa ibaba) ayon sa pinahihintulutan ng batas, isang arbitrasyon, paghahabol o iba pang legal na paglilitis alinsunod sa mga tuntunin ng Kasunduan na ito, at notipikasyon sa mga wastong awtoridad.
Sumasailalim sa mga tuntunin ng Kasunduan na ito at pagsunod kalakip nito, ang PDC ay magbibigay sa User ng Serbisyo – na gagamitin lamang ng User alinsunod sa lahat ng dokumentasyon at iba pang nakasulat na instruksyon na ibinigay ng PDC (kabilang, ngunit walang limitasyon, tulad ng maaaring i-post ng PDC sa Site, ipinamahagi sa pamamagitan ng App, o tinukoy sa mga deskripsyon ng Task).
Kinikilala ng User na ang Serbisyo ay paminsan-minsan ay bagsak para sa pagmementena at mga update. Pagkatapos ng mga update na ito, maaari niyong makita ang mga bagong tampok na idinagdag o mga tampok na tinanggal.
Ang User ay magiging responsable para sa pagkuha at pagpapanatili ng anumang kagamitan o mga serbisyo na kailangan upang ikonekta sa at i-access ang Serbisyo, kabilang, nang walang limitasyon, ang access sa internet, serbisyo ng wifi, mga serbisyo sa instant na pagmemensahe, mga modem, hardware, software, at serbisyo sa mahabang distansya o lokal na telepono. Ang User ay magiging responsable para sa pagtitiyak na ang naturang kagamitan o mga serbisyo ay nababagay sa Serbisyo.
Ang User ay responsable para sa lahat ng gastusin na nauugnay sa paggamit ng Serbisyo at pagkumpleto ng Mga Task (tulad ng tinukoy sa ibaba), kabilang ngunit hindi limitado sa mga bayarin sa subskripsyon ng internet, mga bayarin sa pag-access sa internet, mga bayarin sa pag-access sa wifi, mga bayarin sa text o instant na pagmemensahe, mga bayarin sa serbisyo ng cellular o iba pang mga walang kawad na komunikasyon, mga upgrade ng software o kagamitan, at mga bayarin sa transmisyon ng data.
Kung ang User ay nagmamaneho o nagpapatakbo ng isang sasakyan, motorsiklo, scooter, o iba pang uri ng personal na aparato o kagamitan sa transportasyon (sama-sama, “Sasakyan”) sa pagtahak sa pagkumpleto ng Mga Task (tulad ng tinukoy sa ibaba), dapat na imaneho/patakbuhin ng User ang Sasakyan nang maingat at hindi dapat na gumamit ng isang telepono o iba pang aparato habang gumagalaw ang Sasakyan. Ang User ay dapat rin na panatilihin ang minimum man lamang na halaga ng seguro (insurance) ng de-motor na sasakyan o iba pang naaangkop na pananagutan na inaatas ng batas o, kung walang legal na minimum sa naaangkop na hurisdiksyon, isang makatwirang halaga ng seguro ng de-motor na sasakyan o iba pang naaangkop na pananagutan upang saklawin ang anumang pagkawala o pinsala na sanhi ng User. Kinikilala ng User na ang PDC ay hindi responsable para sa anumang pagkawala o pinsala na sanhi ng User habang kumukumpleto ng isang Task at, tulad ng ibinigay sa seksyon ng pagbabayad-danyos (indemnification section) sa ibaba, ang User ay magbibigay-danyos sa PDC para sa mga paghahabol ng ikatlong partido na nagmumula sa mga aksyon ng User habang kumukumpleto ng Mga Task.
MGA TASK, KONSIDERASYON, MGA MINIMUM NG CASH OUT AT MGA DEADLINE
Ang mga User na nag-download ng App ay maaaring mag-sign up upang kumumpleto ng survey, magbigay ng mga video, screen shot, larawan o recording ng kanilang mga sarili at/o kung ano ang kanilang naoobserbahan, o magsagawa ng ilang iba pang proyekto (ang “Task”). Ang mga inaatas para sa bawat Task, kabilang ang aktibidad na kukumpletuhin, ang oras, ang lokasyon at ang anyo ng kalalabasan (tulad ng isang tugon sa survey, impormasyong naobserbahan sa isang lokasyon, o isang larawan, screenshot o video), ay tinukoy sa abiso ng Task, at isinama dito bilang reperensiya. Ang abiso ng Task ay maaaring magbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa koleksyon ng data, paggamit o pagbabahagi, pagdaragdag sa Patakaran sa Privacy at ang isinasama dito. Ang abiso ng Task ay tinutukoy rin ang anuman at kung ano ang kabayaran na idadagdag sa balanse ng User sa oras ng pagkumpleto at pag-apruba ng submisyon ng Task. Ang kabayaran ay magagamit alinsunod sa mga inihayag na tuntunin ng Kasunduan na ito sa oras na ang Task ay nakumpleto bilang pagsunod sa Kasunduan na ito at napatunayan/naaprubahan (ang “Pagkumpleto ng Task”). Walang relasyon sa trabaho ang naitatatag sa pamamagitan ng pag-sign up para sa o pagkumpleto ng Mga Task.
Proseso at Minimum ng Cash Out. Ang mga User ay dapat na pumili ng isang paraan para tanggapin ang kanilang kabayaran mula sa mga pagpipilian na makukuha sa pamamagitan ng App kung saan sila naninirahan at kumumpleto ng Task. Gumagamit ng mga serbisyo ng ikatlong partido ang PDC upang mapagaan ang proseso, tulad ng Mobile Top-Up, PayPal, Coinbase at Payoneer. Ang mga serbisyo na ginagamit upang pangasiwaan ang proseso ay tipikal na mayroong isang halaga ng minimum cash out. Ang halaga ay ibinunyag sa App kapag kayo ay nag-sign up para sa serbisyo ng pagbabayad, at ang mga halagang ito ay maaaring mag-iba-iba ayon sa bansa. Ang mga halaga ng cash out ay sumasailalim sa pagbabago na ginagawa ng tagapagbigay-serbisyo ng ikatlong partido o ng PDC. Kayo ay hinihikayat na tingnan ang mga halaga ng cash out minimum na pana-panahong ibinubunyag sa App upang matukoy ang anumang mga pagbabago.
Mga Limit sa Oras para sa Mga Cash-Out. Para sa anumang Task na nakumpleto sa o pagkatapos ng Abril 1, 2022. ang mga User ay dapat na i-cash-out ang kanilang kabayaran sa loob ng anim na buwan ng pagtanggap ng abiso sa Pagkumpleto ng Task (ang “Cash Out Period”). Para sa anumang Task na nakumpleto bago ang Abril 1, 2002, ang oras para mag-cash out ay magtatapos sa Marso 31, 2023 (ang “Pinalawig na Cash Out Period”). Ang kabiguan na mag-cash out sa naaangkop na Cash Out Period o Pinalawig na Cash Out Period ay maaaring magresulta sa mga bayarin, pagkaalis o pareho, ayon sa tinukoy sa Kasunduan na ito. Maaaring subaybayan ng mga User ang pagtatakda ng kabayaran na kanilang magagamit sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang Task history na nasa App, at pagtukoy sa petsa ng Pagkumpleto ng Task at ang halaga ng kabayaran ng Task, kung mayroon man.
Mga Bayarin para sa mga Naantalang Cash-Out. Kung mayroon mang User na nabigong mag-cash out ng magagamit na kabayaran bago ang oras ng pagtatapos (expiration) ng naaangkop na Cash-Out Period o Pinalawig na Cash Out Period (ang “Aged Funds”), maaaring maningil ang PDC ng isang bayarin laban sa Aged Funds na US$1 kada taon para sa bawat taon na hindi na-cash out na Aged Funds.
Eksepsyon sa mga Deadline ng Cash-Out: Kung hindi magawa ng User na mag-cash out dahil sa hindi gumawa ng sapat na mga Task ang PDC sa heograpikong rehiyon kung saan gumawa ang User ng isang account ng User sa PDC upang bigyang-daan ang User na maabot ang mga minimum na cash out na itinakda ng serbisyo sa pagbabayad ng ikatlong partido o ng PDC sa loob ng mga naaangkop na limit sa oras (ang Cash Out Period o ang Pinalawig na Cash Out Period), maaaring makipag-ugnayan ang User sa PDC sa [email protected] upang humiling ng kaluwagan mula sa mga deadline ng cash-out at/o mga bayarin. Maaari na ang PDC, sa kanyang sariling pagpapasya, (1) Iwaksi ang bayarin para sa anumang panahon, o (2) isaayos para bayaran ang User sa pamamagitan ng isang ACH o wire transfer o iba pang mga paraan ng pagbabayad na ipinasya ng PDC kung magbibigay ng sapat na impormasyon ang User para maberipika ng PDC ang pagkakakilanlan ng User at sapat na impormasyon ng account para sa transfer, ang naturang mga bayad ay gagawin sa tinukoy na currency na nasa Task.
Kung naniniwala ang User na ang PDC ay nakagawa ng error na may kaugnayan sa kabayaran ng User, dapat na makipag-ugnayan ang User sa PDC sa [email protected] para sa suporta.
Ang User ay hindi empleyado ng PDC. Responsable ang User para sa lahat ng buwis o gawain na nauugnay sa paggamit ng Serbisyo at anumang kabayaran na natanggap kasunod ng pagkumpleto ng isang Task. Maaaring magpadala ang PDC ng Users tax documents, tulad ng Form 1099 sa Estados Unidos.
MGA SUSOG, MODIPIKASYON AT SUSPENSYON
Maaaring baguhin, suspendihin o itigil ng PDC ang Serbisyo anumang oras, kabilang ang pagkakaroon ng anumang tampok, database, o nilalaman. Maaari ring magpataw ng mga limit ang PDC sa ilang tiyak na tampok ng Serbisyo o paghigpitan ang access ng User sa mga bahagi o lahat ng Serbisyo nang walang abiso o pananagutan.
Tinataglay ng PDC ang karapatan, sa kanyang sariling pagpapasya, na modipikahin ang Kasunduan na ito anumang oras sa pamamagitan ng pagpopost ng isang abiso sa Site, sa Platform o sa pamamagitan ng App, o sa pamamagitan ng pagpapadala sa User ng isang abiso sa pamamagitan ng email o postal email. Magiging responsable ang User para sa pagsusuri at pagiging pamilyar sa anumang mga naturang modipikasyon. Ang paggamit ng User sa serbisyo kasunod ng nasabing notipikasyon ay bumubuo sa pagtanggap ng User sa mga tuntunin at kondisyon ng Kasunduan na ito bilang nabago.
NILALAMAN NG APP, SITE AT PLATFORM AT INTELEKTWAL NA ARI-ARIAN
Sumasang-ayon ang User na ang lahat ng nilalaman, tulad ng trademarks, text, graphs at graphics, data, metrics, logos, button icons, images, audio clips, digital downloads, pagtitipon ng data, materyales at software, at ang katulad (pinagsama-sama, ang “Nilalaman”) ng ibinigay ng PDC sa pamamagitan ng Serbisyo o kung hindi man ay ginawang makukuha ng PDC sa pamamagitan ng App, Site o Platform ay protektado ng copyrights, trademarks, service marks, patents, mga sikreto ng kalakalan o iba pang mga karapatan at batas sa pagmamay-ari. Maliban kung hayag na inawtorisa ng PDC sa paraang pasulat, sumasang-ayon ang User na hindi ibebenta, palilisensyahan, parerentahan, momodipikahin, ipamamahagi, kokopyahin, muling gagawin, ililipat, pampublikong ididisplay, pampublikong gaganapin, ilalathala, gagamitin, i-e-edit o gagawa ng mga deribatibong gawain mula sa naturang Nilalaman, at sumasang-ayon na hindi gagamitin ang mga trademark ng PDC maliban kung tutukoy sa PDC o kanyang mga produkto at serbisyo. Maaaring i-print o i-download ng User ang isang limitadong makatwirang bilang ng mga kopya ng Nilalaman mula sa App, Site o Platform para sa sariling hindi komersyal na mga layunin ng User hangga’t napapanatili ng User ang lahat ng mga abiso sa copyright at iba pang karapatan sa pagmamay-ari na nakapaloob dito. Ang muling paggawa, pagkopya o pamamahagi ng anumang Nilalaman, materyales o mga elemento ng disenyo na nasa App, Site o Platform para sa anumang iba pang layunin ay mahigpit na pinagbabawalan nang wala ang hayag na paunang nakasulat na pahintulot ng PDC.
Ang paggamit ng Nilalaman para sa anumang layunin na hindi hayag na pinahihintulutan sa Kasunduan na ito ay ipinagbabawal. Ang anumang mga karapatan na hindi hayag na ibinigay dito ay naitataglay na.
Maliban kung hayag na naitakda dito, tanging ang PDC (at kanyang mga tagapaglisensya, kung saan naaangkop) ay pananatilihin ang lahat ng mga karapatan sa intelektwal na pag-aari kaugnay sa Serbisyo. Ang lahat ng Nilalaman na kasama sa App, Site o Platform ay ang pag-aari ng PDC o kanyang mga tagapagtustos ng Nilalaman. Ang pagtitipon ng lahat ng Nilalaman na nasa App, Site o Platform ay ang eksklusibong pag-aari ng PDC.
Ang Kasunduan na ito ay hindi pagbebenta at hindi nagdadala ng anumang mga karapatan ng pag-aari sa o nauugnay sa Serbisyo, anumang Nilalaman o anumang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari.
NILALAMAN NG USER
Kinikilala at sumasang-ayon ang User na kung ang User ay mag-aambag ng Nilalaman sa App, Site o Platform, o magbibigay ng Nilalaman na may kinalaman sa isang Task (“Nilalaman ng User”), ang PDC (at kanyang mga tagahalili at mga itinalaga) ay binibigyan dito ng isang hindi-eksklusibo, pangbuong mundo, walang hanggan, hindi nababawi, walang bayad sa royalty, naililipat na karapatan upang ganap na mapakinabangan at i-sublicense ang naturang Nilalaman ng User (kabilang ang lahat ng kaugnay na karapatan sa intelektwal na ari-arian), para sa anumang layunin, at para pahintulutan ang iba na gawin ito (kabilang ang alinmang partido na umugnay sa PDC upang pangasiwaan ang Mga Task o ang mga kostumer o kliyente ng partidong iyon). Ipinauubaya ng User ang anumang mga moral na karapatan sa o mga karapatan sa publisidad sa Nilalaman ng User, kung mayroon man, at anumang karapatan sa pagpapatungkol na maaaring mayroon ang User. Tinataglay ng PDC ang karapatan na tanggalin ang anumang Nilalaman ng User mula sa App, Site o Platform anumang oras, para sa anumang kadahilanan (kabilang, ngunit hindi limitado sa, sa oras na tanggapin ang mga paghahabol o alegasyon mula sa mga ikatlong partido o awtoridad na umuugnay sa naturang Nilalaman ng User), o nang wala talagang kadahilanan.
Kinakatawan at ginagarantiyahan ng User na (i) ang User ay may lahat ng karapatan, kapangyarihan at awtoridad na i-ambag ang lahat ng User’s Content ng User sa PDC at sa App, Site at Platform, at ibigay ang naunang lisensya at mga kaugnay na karapatan at pagpapaubaya, (ii) ang Nilalaman ng User (User Content) ay hindi pinanghihimasukan o nilalabag ang mga karapatan ng sinumang ikatlong partido at/o gumagawa ng isang pananagutan para sa PDC, kanyang mga empleyado, kontraktor, opisyal, direktor, ahente o kaanib, o mga ikatlong partido na umuugnay sa PDC upang pangasiwaan ang Mga Task (o ang mga kostumer o kliyente ng mga ikatlong partido na iyon), (iii) Ang Nilalaman ng User at pagtapos ng anumang Mga Task ay hindi sasalungat sa anumang mga obligasyon na mayroon ang User sa alinmang ikatlong partido, at (iv) wala sa alinman sa Nilalaman ng User o kontribusyon nito, ang lumalabag sa anumang mga batas o regulasyon.
Tulad ng itinakda sa seksyon sa Privacy na nasa itaas, kung alinmang Nilalaman ng User ay kinabibilangan ng personal na data, samakatuwid ang personal na data na iyon ay dapat na asikasuhin ng PDC alinsunod sa Patakaran sa Privacy.
Kinikilala ng User, at malayang ibinibigay ang pahintulot nito, na ang alinman sa kanilang personal na data na nakapaloob sa loob ng Nilalaman ng User: (a) ay maaaring gamitin ng PDC para sa mga layuning tinukoy sa Kasunduan na ito; at (b) ay maaaring ibahagi ng PDC sa sarili nitong mga kliyente (at sa kabilang banda, kanilang sariling kliyente) para sa kanilang sariling paggamit ng naturang nilalaman (kabilang ang pagpopost ng naturang Nilalaman ng User sa mga platform ng social media at iba pang mga pampublikong forum). Ang pag-sign up sa Kasunduan na ito ay bumubuo ng positibong pahintulot na ipinagkakaloob ng User sa paggamit na inaasahan ng talatang ito ng naturang personal na data ng User.
PUNA (FEEDBACK)
Binibigyan ng User ang PDC ng isang hindi-eksklusibo, pangbuong mundo, walang hanggan, hindi nababawi, walang bayad sa royalty, naililipat na karapatan upang ganap na mapakinabangan at i-sublicense, para sa anumang layunin, ang anumang mungkahi, ideya, mga kahilingan sa pagpapahusay, puna (feedback), rekomendasyon o iba pang impormasyon na ibinigay sa inyo o ng sinumang ikatlong partido na may kaugnayan sa Serbisyo, kabilang ang lahat ng may kinalamang karapatan sa intelektwal na ari-arian (sama-sama, ang “Feedback”). Kung pipiliin ng User na bigyan ng Feedback ang PDC, maaaring kumilos sa Feedback ang PDC nang walang anumang obligasyon o konsiderasyon. Ang anumang ibinigay na Feedback ay ituturing na hindi kumpidensyal, at ang PDC ay malaya na gamitin ang naturang impormasyon sa hindi hinihigpitang batayan. Ipinapaubaya ng User ang anumang mga moral na karapatan sa o mga karapatan ng publisidad sa Feedback, kung mayroon man, at anumang karapatan sa pagpapatungkol na maaaring mayroon ang User na iyon.
Inyong kinakatawan na anumang Feedback na ibinigay niyo sa amin ay hindi nilalabag ang mga karapatan ng alinmang ikatlong partido, kabilang ang copyright, trademark, privacy o iba pang mga karapatan.
ARTIPISYAL NA KATALINUHAN AT ANALISIS NG DATA
Tulad ng inilarawan sa aming Patakaran sa Privacy, maaaring analisahin ng PDC ang data na kinokolekta nito at/o ibinibigay ng User dito, kabilang ang mga imahe, video, recording, screenshot at larawan, gamit ang artipisyal na katalinuhan, at ang mga kliyente ng PDC (at kanilang mga kliyente) ay maaari ring gamitin ang artipisyal na katalinuhan sa kanilang analisis ng data na ibinibigay ng PDC sa kanila.
HIRAP, KALIGTASAN NG USER AT PAG-IWAS SA MGA PANGANIB
Maaaring ang PDC, sa kanyang sariling pagpapasya, ay tumulong sa User kung ang User ay dumaranas ng hirap sa patuloy na pagkumpleto ng Mga Task. Halimbawa, ang naturang hirap ay maaaring kabilangan ng pagkuha ng bagong kagamitan, pagpapalit ng nawala o napinsalang kagamitan, o kabayaran para sa malubhang pinsala sa katawan, pinsala sa personal na ari-arian, nawalang trabaho, o mga multa o parusa. Upang hilingin ang naturang tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa PDC sa [email protected].
Ang kaligtasan at ganap na pagsunod sa batas ay mga prayoridad sa PDC. Ang mga User sa lahat ng oras ay dapat na kumilos sa isang pamamaraan na ligtas at responsable para sa kanilang mga sarili at sa iba, at hindi inilalagay ang User o sinumang ikatlong partido sa panganib ng pinsala sa katawan o pinsala sa ari-arian sa anumang uri. Ang PDC ay hindi sa anumang paraan ay naghihikayat o nag-eendorso ng mga aksyon na naglalagay peligro sa pinsala ng katawan, panghihimasok sa privacy, o pinsala sa ari-arian. Ang mga User dapat sa lahat ng oras ay sumunod sa batas, kabilang ang pagpapanatili ng seguro, at hindi gagawa ng kasalanan, sasali sa mga iligal na gawain, o gagawa ng anumang bagay na hindi ligtas o inilalagay ang User o ang iba sa anumang uri ng panganib, kabilang habang nagmamaneho o nagpapatakbo ng isang Sasakyan. Ang User ay hindi dapat magmaneho o magpatakbo ng isang Sasakyan habang nagagambala, at hindi dapat magmaneho o magpatakbo ng isang Sasakyan habang gumagamit ng telepono o iba pang elektronikong aparato.
MGA PAGHIHIGPIT
Ang User ay hindi gagamitin ang Serbisyo o anumang Nilalaman para sa anumang layunin na labag sa batas o ipinagbabawal ng Kasunduan na ito, o lumalabag sa mga karapatan ng PDC o ng iba.
Sumasang-ayon rin ang User na hindi gagawin ang alinman sa sumusunod:
-
- I-access, pakialaman, o gamitin ang mga hindi pampublikong lugar ng Serbisyo o mga sistema ng kompyuter ng PDC;
- Tangkain na patunayan, i-scan o subukin ang kahinaan ng sistema o network ng PDC, o labagin ang anumang mga hakbang sa seguridad o awtentikasyon;
- Tangkain na dayain ang anumang mga hakbang pangteknolohiya na ipinatupad ng PDC upang protektahan ang Serbisyo o anumang Nilalaman;
- Tangkain na buwagin, kalasin o baligtarin ang pagkakagawa ng anuman sa mga software na ginagamit ng Serbisyo;
- Labagin ang anumang naaangkop na pambansa, pang-estado, lokal o internasyonal na batas o regulasyon;
- Panghimasukan ang privacy ng isang tao;
- Pasukin ang isang hindi pampublikong espasyo o espasyo kung saan ang mga indibidwal ay may makatwirang ekspektasyon ng privacy; o
- Hikayatin o paganahin ang anumang iba pang partido na gawin ang alinman sa mga item na nakalista sa itaas.
PAGPAPAREHISTRO AT SEGURIDAD
Bilang isang kondisyon sa pagsusuri o pagkumpleto ng anumang Mga Task, inaatasan ang User na i-download ang App, gumawa ng account, magbigay ng taon ng kapanganakan, at payagan ang access sa ilang tiyak na tampok ng smartphone kabilang ang mga serbisyo ng lokasyon. Depende kung saan matatagpuan ang User, ang User ay aatasan na (i) magbigay ng mga kredensyal ng Google o Apple, o (ii) magparehistro sa PDC at pumili ng isang password at username (“PDC User ID”).
Bilang isang kondisyon sa paggamit ng Platform, ang User ay maaaring atasan na gumawa ng isang account, kabilang ang magbigay ng pangalan, taon ng kapanganakan, address at impormasyon ng contact (telepono at email), at inaatasan rin na pumili ng isang password at PDC User ID.
Ang User ay dapat na magbigay sa PDC ng tumpak, kumpleto, at na-update na impormasyon sa pagpaparehistro. Ang kabiguang gawin ito ay bubuo ng isang paglabag sa Kasunduan na ito, na maaaring magresulta sa agarang pagwawakas sa account ng User.
Ang User ay hindi maaaring (i) piliin o gamitin bilang isang PDC User ID ang pangalan ng isa pang tao na may intensyon na gayahin ang taong iyon; (ii) gamitin bilang isang PDC User ID ang pangalan na sumasailalim sa anumang mga karapatan ng isang tao maliban sa User nang walang naaangkop na awtorisasyon; o (iii) gamitin ang mga kredensyal ng isa pang tao o sa anumang paraan ay gayahin ang isa pang tao. Tinataglay ng PDC ang karapatan na tanggihan ang pagpaparehistro ng o kanselahin ang isang PDC User ID o iba pang pagpaparehistro sa kanyang sariling pagpapasya.
Ang User ay dapat na responsable sa pagpapanatili ng pagkakumpidensyal ng PDC password ng User at iba pang impormasyon ng account.
Ang sinumang User na nagparehistro sa PDC mula sa labas ng Estados Unidos ay sumasang-ayon na hindi gagamitin ang App o kung hindi man ay i-access ang Serbisyo mula sa loob ng Estados Unidos.
PAGBABAYAD-PINSALA
Responsable ang User para sa lahat ng aktibidad ng User na may koneksyon sa Serbisyo, kabilang ang pinsala sa katawan, pinsala sa ari-arian o iba pang pagkawala na sanhi ng User na may koneksyon sa isang Task. Hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, ang User ay dapat na ipagtanggol, bayaran ng pinsala, at panghawakan na hindi nakakapinsala ang PDC, mga kaanib nito at ang bawat isa sa kanila, at mga empleyado, kontraktor, direktor, tagapagtustos at kinatawan ng mga kaanib nito mula sa lahat ng mga pananagutan, paghahabol, at gastusin, kabilang ang makatwirang bayad sa mga abugado, na hindi sanhi ng sariling kapabayaan o napakamaling pagsasagawa ng PDC at nagmula sa (i) paggamit o maling paggamit ng Serbisyo; (ii) access sa anumang bahagi ng Serbisyo, o (iii) paglabag sa Kasunduang ito na gawa ng User.
PAGTATATUWA NG GARANTIYA
MALIBAN KUNG HINDI IAATAS NG BATAS, ANG SERBISYO (KABILANG, NGUNIT WALANG LIMITASYON, ANG APP, SITE, PLATFORM AT ANUMANG SOFTWARE) AY IBINIBIGAY SA ISANG “AS IS” NA BATAYAN, NANG WALANG MGA GARANTIYA SA ANUMANG URI, ALINMAN AY INIHAYAG O IPINAHIWATIG, KABILANG NANG WALANG LIMITASYON , MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA NG PAGIGING NEGOSYANTE, PAGKABAGAY PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN O HINDI PAGLABAG. ANG PDC AY HINDI GUMAGAWA NG GARANTIYA NA (I) ANG SERBISYO AY WALANG MGA VIRUS O IBA PANG MGA MAPANAKIT NA SANGKAP, (II) ANG SERBISYO AY MAGIGING LIGTAS O MAKUKUHA SA ANUMANG PARTIKULAR NA ORAS O LOKASYON, (III) ANG ANUMANG MGA DEPEKTO O ERROR AY ITATAMA, O (IV) ANG MGA RESULTA NG PAGGAMIT SA SERBISYO AY MATUTUGUNAN ANG MGA INAATAS SA USER. PARTIKULAR, ANG PDC AY WALANG GINAGAWANG GARANTIYA PATUNGKOL SA KATUMPAKAN NG ANUMANG DATA NA IPRINESENTA SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO. ANG PAGGAMIT NG SERBISYO NG USER AY TANGING NASA SARILING PANGANIB NG USER.
ANG MGA BATAS SA ILANG ESTADO O BANSA AY HINDI PINAPAYAGAN ANG MGA LIMITASYON SA MGA IPINAHIWATIG NA GARANTIYA O ANG PAGBUBUKOD O LIMITASYON NG ILANG PINSALA. KUNG ANG MGA BATAS NA ITO AY LUMALAPAT SA INYO, ANG ILAN O LAHAT NG MGA NASA ITAAS NA PAGTATATUWA, PAGBUBUKOD O LIMITASYON AY MAAARING HINDI LUMALAPAT SA INYO, AT MAAARING KAYO AY MAY MGA KARAGDAGANG KARAPATAN.
LIMITASYON NG PANANAGUTAN
WALANG KAGANAPAN NA ANG PDC, KANYANG MGA OPISYAL, DIREKTOR, MAY-ARI, EMPLEYADO, AHENTE, TAGAPAGBIGAY O TAGATUSTOS ANG MANANAGOT SA ILALIM NG KONTRATA, SIBIL NA SALARIN, MAHIGPIT NA PANANAGUTAN, KAPABAYAAN O ANUMANG IBA PANG LEGAL NA TEORYA PAGDATING SA SERBISYO (O ANUMANG DATA O IBA PANG IMPORMASYON NA MAKUKUHA SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO): (I) PARA SA ANUMANG NAWALANG TUBO O ESPESYAL, HINDI DIREKTA, NANGYARI, MAPINSALANG PARUSA, O MGA KINAHINATNANG PINSALA SA ANUMANG URI O ANUPAMAN, KAHIT NA NAKIKINITA, (II) PARA SA ANUMANG MGA BUG, VIRUS, TROJAN HORSES, O MGA KAHALINTULAD (HINDI ALINTANA ANG PINAGMULAN), (III) PARA SA ANUMANG MGA ERROR O PAGKUKULANG SA ANUMANG DATA O IMPORMASYON O PARA SA ANUMANG PAGKAWALA O PINSALA SA ANUMANG URI NA NATAMO BILANG RESULTA NG PAGGAMIT NG USER SA ANUMANG DATA O IMPORMASYON NA NA-POST, NA-EMAIL, NAIHATID O KUNG HINDI MAN AY MAKUKUHA SA O SA PAMAMAGITAN NG SERBISYO, O (IV) PARA SA ANUMANG MGA DIREKTANG PINSALA NA HIGIT SA (SA PINAGSAMA-SAMA) $100.00 (U.S. Dollars) (SA KONDISYON NA, KUNG NAGBAYAD PARA SA ISANG SERBISYO O TAMPOK ANG USER, AT ANG NATURANG BAYAD AY HIGIT SA $100.00 (U.S. Dollars) ANG KAPASIDAD SA PANANAGUTAN AY DAPAT NA ITAAS SA NATURANG HALAGA). Dagdag pa rito, hindi pananagutin ang PDC para sa anumang pagkawala o pananagutan na nagreresulta sa, direkta o hindi direkta, walang kakayahan ng User na ma-access o kung hindi man ay gamitin ang Serbisyo (kabilang, nang walang limitasyon, anumang mga pagkaantala o pagkagambala dahil sa elektroniko o mekanikal na mga kabiguan ng kagamitan, pagtanggi sa mga pag-atake sa serbisyo, mga kabiguan sa pagproseso ng petsa na data, mga kabiguan sa telekomunikasyon o mga problema sa Internet o mga kabiguan sa utility).
ANG MGA BATAS SA ILANG ESTADO O BANSA AY HINDI PINAPAYAGAN ANG PAGBUBUKOD O LIMITASYON NG MGA NAGKATAON O KINAHINATNANG PINSALA, KAYA’T ANG NASA ITAAS NA MGA LIMITASYON AT PAGBUBUKOD AY HINDI LUMALAPAT SA INYO. PARA SA PAG-IWAS SA PAGDUDUDA, ANG MGA LIMITASYON AT PAGBUBUKOD SA SINUSUNDANG TALATA AY HINDI LUMALAPAT SA MGA RESIDENTE NG NEW JERSEY.
PAGWAWAKAS (TERMINATION)
Maaaring wakasan ng PDC ang access ng User sa lahat o anumang bahagi ng Serbisyo anumang oras, na may dahilan o wala, epektibo sa oras ng pagwawakas ng inyong account (sa kondisyon na, kung mapagpapasyahan ng PDC na may maaaring agarang banta sa PDC, maaari nitong wakasan ang naturang access nang walang abiso).
Maaaring wakasan ng User ang account ng User at pagpaparehistro sa PDC anumang oras sa pamamagitan ng pagtanggal ng account mula sa loob ng App, pagtanggal ng App mula sa mga aparato ng User, pagpapatigil sa paggamit ng Serbisyo, at maaaring makipag-ugnayan sa PDC sa [email protected] na may anumang mga katanungan.
Sa oras ng pagwawakas, hindi na maa-access ng User (tangkang i-access) ang Serbisyo.
Ang lahat ng probisyon ng Kasunduan na ito na sa kanilang likas na katangian ay dapat na makaligtas sa pagwawakas ay makakaligtas sa pagwawakas, kabilang, nang walang limitasyon, ang resolusyon sa alitan, hurisdiksyon at pagpili ng mga probisyon ng batas (kabilang ang pagpapaubaya sa mga paglilitis at paghahain ng kaso), mga probisyon sa pagmamay-ari ng Nilalaman, mga pagtatatuwa sa garantiya at mga limitasyon ng pananagutan.
RESOLUSYON SA ALITAN, HURISDIKSYON AT PAGPILI NG BATAS
Ang Kasunduan na ito ay pamamahalaan ng at binibigyang kahulugan alinsunod sa mga batas ng estado ng California, na tila gawa sa loob ng California sa pagitan ng dalawang residente nito.
Ang mga partido ay sumasang-ayon sa personal na hurisdiksyon sa San Francisco, California, USA. Para sa anumang bagay-bagay na hindi sumasailalim sa arbitrasyon, o magpilit ng arbitrasyon o kumpirmahin, modipikahin, bakantehin o husgahan ang iginawad ng arbitrador, sumasang-ayon ang mga partido sa personal na hurisdiksyon at lugar ng pagdarausan sa mga hukuman ng estado at pederal na matatagpuan sa San Francisco, California, USA, o sa anumang iba pang sangay ng Northern District ng California kung ang kaso ay itinalaga ng pederal na hukuman sa isang sangay sa Northern District maliban sa Sangay ng San Francisco ng Northern District ng California.
Maliban kung hayag na ibinigay dito, ang anumang alitan, paghahabol o kontrobersiya na nagmumula sa o nauugnay sa anumang paraan sa Kasunduan na ito, App, Site, Platform o Mga Serbisyo, o marketing nito, kabilang ang pagpapasya sa saklaw o pagkaangkop ng kasunduan na ito para arbitrahan at mga naipon na paghahabol bago kayo pumasok sa Kasunduan na ito, ay reresolbahin sa pamamagitan ng arbitrasyon alinsunod sa mga panuntunan at pamamaraan ng JAMS, Inc. (“JAMS”) na may bisa sa oras na nagsimula ang arbitrasyon. Ang tanging mga paghahabol na hindi sakop ng arbitrasyon ay ang mga paghahabol patungkol sa paglabag, proteksyon o pagkabisa ng inyong, mga sikreto sa kalakalan, mga copyright, trademark o mga karapatan sa patent ng mga PDC o tagapaglisensya ng PDC.
Ang kasunduan na ito para mag-arbitra ay makakaligtas sa pagwawakas ng Kasunduan na ito. Ang arbitrasyon ay gagawin sa harap ng iisang arbitrador. Sa anumang arbitrasyon na magmumula sa o nauugnay sa Kasunduan na ito, hindi maaaring maggawad ang arbitrador ng anumang mga danyos na salungat sa mga tuntunin ng Kasunduan na ito. Ang arbitrador ay pipiliin ng magkasanib na kasunduan ng mga partido. Sa kaganapan na ang mga partido ay hindi maaaring sumang-ayon sa isang arbitrador sa loob ng tatlumpung (30) araw ng pagbibigay ng nagpasimulang partido sa isa pang partido ng nakasulat na abiso na nagpaplano ito na humanap ng arbitrasyon, padadaliin ng JAMS ang appointment ng isang arbitrador alinsunod sa mga tuntunin nito na may bisa sa kasalukuyan. Ang nakasulat na desisyon ng arbitrador ay pinal at nakapagbibigkis sa mga partido at maipatutupad sa anumang hukuman. Ang paglilitis ng arbitrasyon ay pasisimulan at gaganapin sa San Francisco, California, gamit ang wikang Ingles, maliban na lamang kung pagkakasunduan ng mga partido, at maaaring isagawa nang birtuwal. Ang anumang arbitrasyon sa ilalim ng Kasunduan na ito ay gaganapin nang indibidwal: ang mga arbitrasyon ng pangkat at paghahain ng kaso ay hindi pinahihintulutan. INYONG NAUUNAWAAN AT KAYO AY SUMASANG-AYON NA SA PAGPASOK SA MGA TUNTUNING ITO, KAYO AT ANG PDC AY ISA’T ISANG PINAUUBAYA ANG KARAPATAN SA PAGLILITIS NG HURADO O MAKILAHOK SA ISANG PAGHAHAIN NG KASO.
SARI-SARI
Ang kabiguan ng alinmang partido na gamitin sa anumang paraan ang anumang karapatan na ibinigay dito ay hindi ituturing na isang pagtatatuwa ng anumang mga karagdagang karapatan sa ilalim nito.
Inyong kinikilala at kayo ay sumasang-ayon na kayo ay hindi isang empleyado, ahente, partner o kabakas na partido sa o ng PDC, at wala kang anumang awtoridad sa anumang uri na ibigkis ang PDC sa anumang paraan o anupaman.
Ang PDC ay hindi mananagot para sa anumang kabiguan na isagawa ang kanyang obligasyon dito kung saan ang kabiguan ay nagreresulta mula sa anumang dahilan na higit sa makatwirang kontrol ng PDC, kabilang, nang walang limitasyon, ang kabiguan o pagpapababang mekanikal, elektroniko o komunikasyon (kabilang ang “line-noise” na panghihimasok).
Kung anumang probisyon ng Kasunduan na ito ay napag-alaman na hindi maipapatupad o imbalido, ang probisyong iyon ay lilimitahan o tatanggalin sa pinakamababang saklaw na kailangan nang sa gayon ang Kasunduan na ito kung hindi man ay mananatili sa ganap na puwersa at bisa at maipapatupad.
Ang Kasunduan na ito ay hindi naitatalaga, naililipat o nasa-sublicense ng User maliban kung may paunang nakasulat na pahintulot. Maaaring ilipat, italaga ng PDC ang Kasunduan na ito at kanyang mga karapatan at obligasyon nang walang pahintulot.
Maliban kung hayagang itinakda dito, ang parehong partido ay sumasang-ayon na ang Kasunduan na ito (na dinagdagan ng mga partikular na tuntunin ng anumang Task na gagawin ng User, anumang panuntunan, pamamaraan o patakaran ng PDC, kabilang ang Patakaran sa Privacy na naisama dito, na may bisa sa panahon ng Kasunduan, at mga patakaran at panuntunan ng app platform kung saan nakuha ng User ang App) ay ang kumpletong kasunduan ng mga partido. Kung may alitan sa pagitan ng Kasunduan na ito at isang mas maagang kasunduan o patakaran, samakatuwid ang mga termino ng Kasunduan na ito ang magkokontrol. Ang lahat ng modipikasyon ay dapat na pasulat na nilagdaan ng parehong partido, maliban kung itinakda dito.
Ang User ay dapat na sumunod sa sariling gastos ng User sa lahat ng naaangkop na pederal, estado at lokal na batas, kabilang sa mga batas sa buwis ng kita.
Ang Kasunduan na ito ay walang bisa kung saan ay ipinagbabawal ng batas, at ang karapatan na i-access ang Serbisyo ay binabawi sa mga naturang hurisdiksyon.